4 patay, 47 sugatan sa sunog sa mall sa South Korea
Apat katao ang nasawi samantalang nasa 47 naman ang nasaktan makaraang masunog ang isang mall sa Seoul, South Korea.
Kabilang sa mga nasawi ay dalawang construction worker, isang namamasyal at isang manggagawa ng mall na nasa bayan ng Dongtan, sa Hwaseong, Gyeonggi province.
Hinihinala ng mga imbestigador, na nagsimula ang sunog mula sa isang ginagawang play area sa loob ng shopping mall.
Posibleng nagmula ang apoy sa ningas mula sa ginagamit na welding torch ng mga construction worker, batay sa inisyal na imbestigasyon.
Karamihan sa mga nadala sa pagamutan ay nakaranas ng hirap sa paghinga dulot ng smoke inhalation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.