Apela ng US justice department na maibalik ang ‘travel ban’ ibinasura ng US federal appeals court

By Jay Dones February 05, 2017 - 06:09 PM

 

Mula sa Reuters

Ibinasura ng US Federal appeals court ang hiling ng US Justice Department na layon sanang maibalik ang ‘travel ban’ na una nang ipinag-utos ni President Donald Trump sa para sa ilang mga dayuhan at mga refugees.

Sa halip na paboran, ipinag-utos ng korte sa Trump administration at Washington state na magsumite ng mga karagdagang argumento upang suportahan ang kani-kanilang panig.

Dahil sa pagtanggi ng appeals court, nangangahulugang tuloy ang pag-iral ng kautusan ng lower court na pumipigil sa ‘travel ban’.

Una nang naghain ng apela ang justice department na humihiling na bawiin ang desisyon ng lower court na pumipigil sa ‘travel ban’.

Saklaw sana ng ‘travel ban’ ang pagbabawal sa mga dayuhan mula sa pitong ‘Muslim-dominated countries’ at mga refugees na makapasok sa Amerika.

Gayunman, pinigil ito ng lower court kaya’t napilitan ang justice department na ihain ang kanilang apela sa federal court of appeals.

Dahil sa kautusang ito, inaasahang magpapatuloy ang usaping legal ukol sa isyu sa mga susunod na araw.

Dahil rin sa desisyon ng us federal appeals court, ipinahinto na ng Department of Homeland Security ang pagpapatupad ng ‘travel ban’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.