Suspensyon ng peace talks, ‘judgment call’ ng pangulo-Dureza

 

Malugod na tinanggap ni Presidential peace adviser Jesus Dureza ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang usapang kapayapaan ng pamahalaan sa mga miyembro ng komunistang grupo.

Sa isang statement, sinabi ni Dureza na kung mayroon mang isang tao na pinaka-nagnanais at nagta-trabaho para matamo ang kapayapaan sa bansa, ito ay walang iba kundi ang Presidente Duterte.

Aniya, ang judgment calls ng pangulo ay patungo sa layuning ito.

Pero sa ngayon, sinabi ni Dureza na malinaw ang Pangulo sa direksyong gusto niyang tahakin ng gobyerno.

Dagdag ng opisyal, ang daan tungo sa pangmatagalang kapayapaan ay hindi madali.

Mayroon aniya ritong ‘humps and bumps, curbs and detours’, subalit ang mahalaga ay manatili ang lahat sa landas na ito.

Isang araw matapos tanggalin ang ceasefire sa New People’s Army, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na magpapatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP maliban na lamang kung mayroong mabigat na rason.

Pinababalik na rin niya sa Pilipinas ang mga government negotiators na nasa Roma.

Read more...