Si Makilala ay isang whistleblower na naglantad ng umano’y nangyayaring kurapsyon at iregularidad sa BuCor noong 2012.
Ayon sa BuCor director, inatasan niya ang ang OIC at DAPECOL na bumuo ng investigation team para mabusising imbestigahan ang insidente katuwang ang National Bureau Investigation at Philippine National Police.
Ayon kay Davao del Norte Provincial Police Office (DNPPO) provincial director Senior Superintendent Ferdinand Sifuentes, namatay si Makilala matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang armadong riding in tandem habang nasa bus.
Base pa kanilang imbestigasyon, pauwi na aniya sana si Makilala sa bahay nang sundan ito ng mga suspek sa bisinidad ng DAPECOL sa bayan ng Braulio E. Duhali sa Davao del Norte.
Sa ngayon, nananatili ang bangkay ng biktima sa Carmen funeral homes at inaasahang ililipat sa Tacurong, Cotabato para sa autopsy.
Samantala, nagparating naman ng pakikiramay at tulong ang BuCor sa naiwang pamilya ni Makilala.