Ayon kay National Youth Commission chair Aiza Seguerra, dapat siguruhin ng mga guro na maituro ang aprubadong sex education curriculum.
Sa kabila ng pagkakabilang nito sa curriculum, nakatanggap aniya ito ng mga ulat na hindi itinuturo ng ilang guro ang sex education dahil isip ng iba’y ipinagbabawal ito.
Giit ni Seguerra, hindi mapoprotektahan ang mga kabataang Pilipino kung hindi bibigyan ng tamang impormasyon.
Bwelta pa ng NYC chair, hindi dapat maging bulag ang mga opisyal ng gobyerno sa pagtaas ng bilang ng pre-marital sex sa Pilipinas.
Binigyang-diin din ni Seguerra ang responsibilidad ng mga magulang upang maprotektahan ang mga anak mula sa pagkalat ng HIV at iba pang sexually transmitted diseases.