Mga estudyante, dapat maturuan ng tamang paggamit ng condom – Seguerra

By Angellic Jordan February 05, 2017 - 09:25 AM

 

Aiza SeguerraDapat mabigyan ang mga estudyante ng sapat na edukasyon sa tamang paggamit ng condoms bilang proteksyon mula sa sexually transmitted diseases at maagang pagbubuntis.

Ayon kay National Youth Commission chair Aiza Seguerra, dapat siguruhin ng mga guro na maituro ang aprubadong sex education curriculum.

Sa kabila ng pagkakabilang nito sa curriculum, nakatanggap aniya ito ng mga ulat na hindi itinuturo ng ilang guro ang sex education dahil isip ng iba’y ipinagbabawal ito.

Giit ni Seguerra, hindi mapoprotektahan ang mga kabataang Pilipino kung hindi bibigyan ng tamang impormasyon.

Bwelta pa ng NYC chair, hindi dapat maging bulag ang mga opisyal ng gobyerno sa pagtaas ng bilang ng pre-marital sex sa Pilipinas.

Binigyang-diin din ni Seguerra ang responsibilidad ng mga magulang upang maprotektahan ang mga anak mula sa pagkalat ng HIV at iba pang sexually transmitted diseases.

TAGS: Aiza Seguerra, Aiza Seguerra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.