CA Associate Justice Ramon Garcia, bagong mahistrado sa contempt case ni Mayor Binay vs. Sen. Trillanes
Nagtalaga ang Court of Appeals (CA) ng bagong mahistrado na isa sa hahawak sa kasong contempt na isinampa ni Mayor Junjun Binay laban kay Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay matapos na mag-inhibit kahapon sa nasabing kasi si Associate Justice Maria Luisa Quijano-Padilla.
Matapos magsagawa ng panibagong raffle, si Associate Justice Ramon Garcia ang ipinalit ng CA kay Padilla.
Ayon kay Padilla, nagpasya siyang mag-inhibit sa kaso dahil miyembro siya ng ethics committee ng CA na naatasang mag-imbestiga sa alegasyon ni Trillanes na sinuhulan ni Binay ang mga mahistrado ng korte.
Dahil sa pag-inhibit ni Padilla, hindi natuloy ang pagdinig kahapon at sa halip ay itinakda na lamang muli sa November 12 ang hearing./ Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.