Isa sa mga biktima ng sunog sa Cavite factory, nasawi na

 

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Namatay na ang isa sa mga biktima ng malaking sunog na tumupok sa isang pabrika sa Cavite Export Processing Zone sa Rosario, Cavite.

Kinumpirma ni Cavite Governor Boying Remulla na nasawi na ang biktimang si Jerome Sisnaet, empleyado ng House Technology Industries o HTI.

Ayon kay Remulla, sumakabilang-buhay si Sisnaet pasado 11:28 kagabi (Febuary 04), dahil sa mga tinamo nitong paso o lapnos sa katawan.

Dalawa pang biktima ang nasa kritikal na kundisyon, na ani Remulla, ay nananatili pa rin sa ospital.

Noong Miyerkules (February 01), sumiklab ang malaking sunog sa HTI, at naidekara lamang na fire-out noong Biyernes (February 03).

Mahigit tatlong libong mga manggagawa ng HTI ang isinugod sa ospital matapos masugatan dahil sa sunog.

Nilinaw naman ng HTI na walang bangkay na natagpuan sa loob ng kanilang building.

Read more...