Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas
By Isa Avendaño-Umali February 05, 2017 - 07:42 AM
May dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo anumang araw ngayong linggo.
Batay sa oil industry, nasa 30 hanggang 40 centavos ang price increase sa kada litro ng gasolina.
20 hanggang 30 centavos naman ang pagtaas sa halaga sa bawat litro ng diesel, habang 30 hanggang 40 centavos sa kada litro ng kerosene.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang pormal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis hinggil sa nakaambang oil price hike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.