Mga “police scalawags”, kailangang humarap kay Duterte
Haharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na inaakusahan na ginagamit ang kampanya laban sa ilegal na droga para maging cover sa kanilang mga krimen at sususpindehin ang mga ito.
Iniutos din ni Duterte kay PNP Director General Ronald dela Rosa alamin kung paano ginastos ang pondong nakalaan para anti-narcotics.
Nauna ng sinuspinde ni Dela Rosa ang Oplan Tokhang kasunod ng pagkakasangkot ng mga pulis sa pagkidnap at papatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Duterte hindi siya sang-ayon sa proposal ni Duterte na muling sumailalim sa training ang mga “police scalawag”.
Dagdag pa dito, nakatanggap si Duterte ng mga ulat na may mga pulis na nagbebenta ng droga mula sa mga napapatay na mga drug suspects.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.