TNT, panalo kontra GlobalPort

TNT_KaTropa_logoPanalo ang TNT KaTropa laban sa GlobalPort Batang Pier sa score na 109-101 kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dahil sa panalo ng TNT lamang sila sa 1-0 na record sa kanilang best-of-three quarterfinals series.

Ayon kay TNT head coach Nash Racela, ginawa ng kanyang mga manlalaro ang kanilang makakaya na mapigilan sina Terrence Romeo at Stanley Pringle ng GlobalPort na makaiskor.

Dagdag pa ni Racela na hahanap sila ng paraan para sa susunod na laro para naman bawasan ang “touches” ng kabilang koponan.

Nakapagtala naman si Jayson Castro ng 20 points habang si Larry Fonacier ay may 17 points.

Read more...