Iranian baby, papayagang makapasok sa US para maoperahan

By Rod Lagusad February 05, 2017 - 05:48 AM

US-mapPapayagan ang isang Iranian baby na makapasok sa United States matapos na ma-ban dahil sa inilabas na executive order ni US President Donald Trump’s para sa isasagawang heart surgery ayon kay New York Governor Andrew Cuomo.

Ang pamilya ng naturang sanggol ay may appointment sa Dubai para makakuha ng tourist visa ng makansela ito dahil sa executive order ni Trump patungkol sa immigration ban sa pagpasok sa US ng mga tao mula sa pitong predominantly Muslim countries kabilang ang Iran.

Dahil dito ang apat na buwan na si Fatemeh Reshad ay walang nagawa kung hindi umuwi kasama ang pamilya nito pabalik sa Iran.

Sinabi ng uncle ng bata na si Samad Taghizadeh na isang U.S. citizen na naninirahan sa Portland, Oregon, na sinabi ng mga Iranian doctors sa mga magulang ng bata ilang linggo na ang nakakaraan na kailangan sumailalim sa isa o maaring higit pa na operasyon ang bata para maitama ang mga seryosong heart defects ngito kung hindi mamatay ito.

Ayon kay Cuomo, pinayagan ng federal government si Reshad at ang kanyang pamilya na makapunta ng United States para sa isasagawang operasyon at aniya magpapatuloy silang makikipag-ugnayan sa International Refugee Assistance Project at sa mga partners nito para masigurong mabigyan ng tamang atensyong medikal ang bata at ang patuloy na paglaban sa hindi patas na ban na iniutos ni Trump.

TAGS: Andrew Cuomo, donald trump, dubai, federal government, Andrew Cuomo, donald trump, dubai, federal government

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.