Anak ni Michael Buble, maganda ang takbo ng gamutan laban sa cancer

By Rod Lagusad February 05, 2017 - 05:43 AM

Photo by Michael Bublé/Facebook

Maganda ang takbo ng gamutan laban sa cancer ng tatlong taong gulang na anak na lalaki ng Canadian Singer na si Michael Buble at Argentine TV actress Luisana Lopilato.

Ayon sa mag-asawa, mataas ang pag-asa ng mga manggagamot sa magiging kalagayan ng kanilang anak.

Aniya matapang ang kanilang anak na si Noah sa paglaban sa cancer at dahil dito sila ay inspirado sa ipinapakita ng kanilang anak.

Inanunsyo ng pamilya nila noong Nobyember na may cancer ang kanilang anak na si Noah.

Hindi naman idinitalye ng mag-asawa kung anong klaseng cancer ang kanilang anak.

Kaugnay nito, may isa pang anak ang mag-asawa na si Elias na isang buwan pa lamang ang edad.

TAGS: cancer, elias, Luisana Lopilato, Michael Buble, Noah, cancer, elias, Luisana Lopilato, Michael Buble, Noah

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.