Pagkamatay ng whistle blower na si Kabungsuan Makilala, dapat mabigyan ng hustisya ayon kay Sandra Cam
Hindi titigil si Sandra Cam para tuluyan na mabigyan ng proteskyon ang mga whistle blower na aniya ay ang mga taong totoong nagmamahal sa ating bayan.
Kasunod ito ng pagpatay kay Kabungsuan Makilala, ang naging whistle blower ng prostitusyon at iba pang katiwalian sa New Bilibid Prisons (NBP).
Pinagbabaril ng riding-in-tandem si Makilala dakong alas-9:00 ng umaga kahapon sa Davao del Norte.
Matatandaang noong 2012, naglunsad ng imbestigasyon ang Department of Justice ukol sa diumano’y katiwalian sa loob ng Bilibid batay sa mga isiniwalat ni Makilala.
Idiniin ni Makilala sa kanyang testimonya sina dating Bureau of Corrections Directors Ernesto Diokno at Gaudencio Pangilinan.
Agad namang nakipag-ugnayan si Cam kay Bucor Director Benjamin Delos Santos kaugnay ng pagpatay kay Makilala.
Sa panayam kay ng Radyo Inquirer ay nanawagan si Cam kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II at sa NBI na sana maging “eye opener” ang insidente dahil aniya iniisa-isa na ang mga witnesses sa kasong katiwaliaan sa loob ng Bilibid.
Dagdag pa niya na dapat maimbestigahan at matutukan ang kaso ng pagpatay kay Makilala para mapanagot kung siuman ang nasa likod nito.
Matagal ng kinakalampag ni Cam sa Senado na ipasa na nito ang Whistle Blower’s Act kaya kung aniya ay kailangan niyang kausapin ang bawat senador ay gagawin niya.
Kaugnay nito, sinabi ni Cam na hindi inupuan ni Senator Leila De Lima na noon ay kalihim ng DOJ ang naging resulta ng findings mula sa binuo nitong panel of investigators kung saan lumabas na totoo ang mga ipinahayag ni Makilala.
Imbes aniya na bigyan ng proteskyon si Makilala, ito’y tinanggal ni De Lima sa Witness Protection Program (WPP) at ipinatapon sa Davao Penal Colony na ayon kay Cam ay bukas sa anumang uri ng panganib.
Ayon pa kay Cam noong mga panahong iyo ay marami ang tumutulong sa seguridad ni Makilala mula sa mga pribadong tao.
Dagdag pa ni Cam na huli niyang nakausap sa telepono si Makilala noong January 21 kung saan sinabi nito sa kanya na kinakabahan na ito sa kanyang buhay.
Sa palagay ni Cam ang nasa likod ng pagpatay kay Makilala, na siyang kauna-unahang taong lumutang para ibulgar ang katiwaliang nangyayari sa loob ng Bilibid, ay ang mga malalaking taong kanilang nasagasaan at mga nasampahan ng kaso sa Ombudsman.
Aniya gumagalaw na ang kamay ni De Lima dahil ang isa pang witness na si Jaybee Sebastian ay nasaksak naman sa loob ng kulugan.
Kaugnay nito, hindi titigil si Cam sa mga kasong kanilang naisampa na dahil may mga naiwan naman si Makilala na mga dokumento sa kanya.
Pupunta ngayong araw si Cam sa Davao Del Norte para puntahan ang labi ni Makilala dahil nanatili pa rin ito sa purenarya para mailipat ito sa lugar nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.