Ex-Bucor official na nagbulgar ng katiwalian sa Bilibid pinatay sa Davao
Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek si Kabungsuan Makilala, whistleblower ng prostitusyon at iba pang katiwalian sa New Bilibid Prisons (NBP).
Pinagbabaril ng riding-in-tandem si Makilala dakong alas-9:00 ng umaga kanina sa Davao del Norte.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang.
Si Makilala ay dating assistant head ng Bids and Awards Committee ng Bureau of Corrections.
Matatandaang noong 2012, naglunsad ng imbestigasyon ang Department of Justice ukol sa diumano’y katiwalian sa Bilibid batay sa mga isiniwalat ni Makilala.
Kanyang idiniin sa kanyang testimonya sina dating Bucor Directors Ernesto Diokno at Gaudencio Pangilinan.
Sinabi ni Makilala sa kanyang dating pahayag na pinagkaka-kitaan ng mga Bucor officials ang lahat ng transaksyon sa loob ng Bilibid.
Mula sa catering service hanggang sa suhol mula sa mga VIPs o Very Important Prisoners.
Bilang tugon, sinabi ni Pangilinan sa kanyang dating pahayag na masama lamang ang loob ni Makilala dahil itinapon siya sa Davao Penal Farm dahil din sa isyu ng katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.