Isang kilong shabu nasabat ng PDEA sa Cebu

By Rohanisa Abbas February 04, 2017 - 05:07 PM

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency – Central VIsayas ang halos ay isang kilo ng shabu na may street value na P6 Million sa Talisay, Cebu.

Ito ay matapos maaresto ang isang babaeng umano’y high-level drug trader at tatlong hinihinalang kasabwat nito sa isang buy-bust operation sa Barangay Bulacao.

Ayon kay PDEA-7 Spokesperson Earl Rallos, hindi na nanlaban si Luz Canlobo matapos niyang tanggapin ang pera mula sa undercover agent.

Kasama ni Canlobo na naaresto sina Rey Suson, John Rey Suello at Pepito Joson.

Nakatakas naman ang asawa ni Canlobo na si Christopher Canlobo.

Iginiit ni Luz na tumigil na ang kanyang asawa sa pagbebenta ng droga.

Itinanggi rin niya na pag-aari nila ang shabu na nakuha sa kanilang bahay.

Ayon kay Rallos, nakakapagbenta ang mga ito ng isang kilong shabu kada linggo.

Inaalam na ng PDEA kung saang grupo kabilang ang mga inarestong suspek.

Makaraang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na huwag makialam sa mga drug operations ay naiwan sa PDEA ang trabaho kontra sa iligal na droga.

Haharap ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Illegal Drugs, NBI, PDEA, PNP, shabu, Illegal Drugs, NBI, PDEA, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.