Ilang NCRPO personnel ipinadala sa Camp Crame para disiplinahin

By Rohanisa Abbas February 04, 2017 - 04:24 PM

camp-crame
Inquirer file photo

Ipinadala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 387 sa kanilang mga tauhan sa Camp Crame para sa “disciplinary training.”

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, binubuo ng 15 commissioned officers, 371 non-commissioned officers at isang non-uniformed personel ang mga tauhan na Headquarters ng Philippine National Police.

Aniya, pagsunod ito sa kautusan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na linisin ang kanilang hanay.

Humaharap naman sa kasong kriminal at administratibo ang naturang 387 pulis na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatatapon niya sa mga magulong lugar sa Mindanao ang mga pulis na nahaharap sa mga kaso.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa internal cleansing ang PNP ayon na rin sa pahayag ni Dela Rosa makaraang masangkot sa “tokhang for ransom” ang ilang mga pulis.

TAGS: albayalde, NCRPO, PNP, albayalde, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.