Alamin ang tagumpay ng Fil-Am na si Garrette Gee sa likod ng “The Bucket List Family”
Tuloy ang worldwide adventure ng pamilya ng Fil-Am na si Garrette Gee na siyang founder ng Scan na isang aQR code scanning mobile application.
Taong 2011 nang mabuo ang konsepto ni Gee sa Scan bilang isang mabagong technological tools.
Ilang beses din siyang dumaan sa trial and error bago ito nakilala ng publiko at maging sikat na mobile application sa Android Play Store at pati na rin sa IOS.
Taong 2013 nang umani ng higit pang tagumpay ang noo’y 28-anyos na si Gee makaraan siyang mag-pitch sa Shark Tank na isang convention ng mga angel investors para sa mga bagong produkto na may kaugnayan sa mobile technology.
Sa nasabing event napansin ng SnapChat ang Scan ay makalipas ang ilang araw ay binili nila ang nasabing mobile app ni Gee sa halagang $54 Million.
Sa isang panayam ay sinabi ni Gee na hindi siya makapaniwala na siya’y naging instant millionaire dahil sa Scan.
Nang sumunod na taon ay nagpasya sila ng kanyang misis na si Jessica para iwan ang kanilang tahanan sa Provost, Utah sa U.S para mag-ikot sa mundo kasama ang kanilang mga anak na sina Dorothy at Manilla.
Pero malinaw sa kanila na hindi nila gagastusin ang kinita sa pagkakabenta ng Scan kundi ang mapapagbentahan ng lahat ng kanilang mga gamit sa bahay na umabot sa $45,000.
Ang una sanang plano na ilang linggong pag-iikot sa iba’t ibang panig ng mundo ay nabago makaraan nilang simulan ang kanilang blogsite na “The Bucket List Family”.
Naiba ang perspektibo ng kanilang plano dahil nag-click sa publiko ang nasabing blog hanggang sa nagsimula na rin ito bilang isang startup tulad ng scan.
Lamang ng The Bucket List Family ang lahat ng detalye ng kanilang adventures sa iba’t ibang panig ng mundo.
Dahil sa kasikatan ng nasabing blog ay nagsimula nang pumasok dito ang ilang mga hotel at airline companies na siyang mga naunang partners ni Gee sa blog.
Gusto ni Gee na matutunan ang mga kultura ng iba’t ibang mga bansa na kanilang pinupuntahan.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang tinatawag na “frugal life” kung saan ay mga murang airfares at hotels pa rin ang kanilang pinupuntahan.
Ngayon ay marami na siyang natulungan sa kanilang mga travel adventures kabilang na dito ang libreng Lasik surgery sa ilang piling taon na nagbabahagi rin ng kanilang kwento sa The Bucket List Family.
Sinabi ni Gee na magpapatuloy ang kanilang matipid na pamumuhay samantalang magpapatuloy naman ang kanilang pagbyahe sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.