U.S Embassy muling nilusob ng mga militanteng grupo
Sumugod sa U.S Embassy sa Roxas Boulevrd sa Maynila ang mga miyembro ng militanteng grupong Bayan, League of Filipino Students, Kilusang Mayo Uno (KMU), Anakpawis at iba para ihayag ang kanilang pagtutol sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA ang pananatili ng mga tropa ng Kano sa bansa.
Itinaon ng militante ang anti-US rally sa 118th anniversary ng Philippine-American war.
Ipinagsigawan rin ng grupo ang kanilang pagtutol sa ipinatutupad ni U.S President Donald Trump na deportation at travel ban mula sa ilang mga bansa papasok sa America.
Pero bago pa man sila umabot sa harapan ng U.S Embassy ay haagad na silang naharang ng mga tauhan ng Civil Distrubance Unit ng Manila Police District Office.
Nagbanta naman ang grupo na muli silang babalik sa lugar sa ibang araw para ihayag ang kanilang mga hinaing sa U.S Embassy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.