Mga commercial establishments sa QC muling isasailalim sa fire inspections
Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagsasagawa ng fire-safety inspections sa lahat commercial establishments sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, iniutis niya ang nasabing inspeksyon kay City Fire Marshal Senior Supt. Jesus Fernandez kaugnay sa sunud-sunod na mga insidente ng sunog.
Aniya, kailangang maiwasan ang mga insidente ng sunog, gaya ng pagkasira ng isang pabrika sa Cavite Export Processing Zone na tumagal nang 46 na oras.
Pinasisiguro rin ni Bautista na sumusunod ang lahat sa Fire Code.
Magugunitang sa Quezon City naganap ang ilang mga malalaking sunog sa bansa na pumatay ng maraming tao.
Kabilang dito ang sunog sa Manor Hotel, National Kidney and Transplant Institute at Ozone Disco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.