No strike policy ng LTFRB isang kalokohan ayon sa Stop and Go

By Den Macaranas February 04, 2017 - 01:50 PM

LTFRB Bldg.Kinuwestyon sa hukuman ng grupong Stop and Go ang “no strike policy” na iginigiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampublikong sasakyan.

May kaugnay ito sa ilulunsad na nationwide transport strike ng nasabing grupo sa Lunes, February 6.

Sinabi ni Stop and Go President Pascual Magno na iniakyat na niya sa Quezon City Regional Trial Court ang kanilang pagkwestyon sa naging panuntunan ng LTFRB.

Naunang inihayag ng ahensiya na pwedeng bawiin ang prangkisa ng mga sasama sa welga na siyang nakalagay sa isang memorandum circular ng LTFRB.

Ayon sa LTFRB Memorandum Circular No. 2011-004, “The PUV operator shall not resort to cessation of service as a sign of demonstration or protest versus any government decision or action”.

Bilang sagot, sinabi ni Magno na malinaw sa ating Saligang-Batas na binibigyan ng laya ng pamahalaan ang anumang uri ng mapayapang pamamahayag bilang bahagi ng freedom of speech.

Kabilang sa isyung ipinapanawagan ng Stop and Go sa pamahalaan ay ang pagbasura sa panukalang phaseout sa mga jeepney na may edad 15 taon pataas.

Bukod sa mga pampasaherong jeepney, kasama rin umano nila sa mga magsasagawa ng protesta sa Lunes ang mga tsuper ng mga bus at mga AUV express.

TAGS: ltfrb, stop and go, transport strike, ltfrb, stop and go, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.