Mga malalaking transport group hindi sasama sa tigil-pasada sa Lunes

Transport strike
Inquirer file photo

Hindi lalahok sa ikinakasang nationwide transport strike sa Lunes, February 6 ang pitong malalaking transport groups sa bansa.

Ayon kay Lando Marquez ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas, hindi magsasagawa ng tigil pasada ang kanilang hanay maging ang grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP pati na ang Pasang Masda.

Hindi rin aniya kasama sa tigil pasada ang grupong Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines o ALTODAP, Alliance of Concerned Transportation Organization (ACTO), National Capital Region Bus Operators at Provincial Bus Operators Association.

Ayon kay marquez, hangga’t maari ay nais ng kanilang hanay na idaan sa usapan ang kanilang hirit na dagdag pasahe, phase out ng mga jeepney na may edad ng 15 anyos pataas at pagtataas ng financial capability ng mga operators.

Una dito ay ikinasa ng grupong Stop and Go ang nationwide transport strike dahil sa tatlong nabanggit na isyu.

Read more...