Parusa sa mga tiwaling pulis ipinamamadali ni Sen. Lacson
Binigyan ng tip ni Sen. Ping Lacson si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa kung paano dapat disiplinahin ang mga pulis.
Sinabi ni Lacson na pang picture lang ang ginawa ni Dela Rosa na pagmumura at push-ups sa mga tauhan ng Angeles City PNP na sangkot sa hulidap.
Ayon kay Lacson, dapat ay maging mabigat at mabilis ang parusang ipapataw sa mga tiwaling pulis para maibalik ang tiwala ng publiko sa PNP.
Dapat ay noon pa umano sinibak at kinasuhan ni Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa mga katiwalian.
Sinabi ni Lacson na dati ring pinuno ng PNP na naniniwala siyang sinsero si Dela Rosa sa kampanya nito na ayusin ang kanilang hanay.
Pero magagawa lamang ito ng PNP Chief kung maipapatupad ang tamang disiplina sa mga alagad ng batas.
Pinayuhan rin ni Lacson si Dela Rosa na makipag-ugnayan sa kanyang counterpart sa National Bureau of Investigation dahil malalim umano ang kwento sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Sangkot sa nasabing krimen ang ilang mga tauhan at opisyal ng PNP at NBI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.