Robredo, tiwala sa SC sa paghawak ng electoral protest ni Marcos
Kampante si Vice President Leni Robredo na magiging “fair and square” o patas ang Korte Suprema sa inihaing protesta ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa kaniya.
Ayon kay Robredo, walang dapat ipangamba sa magiging takbo ng kaso sa kamay ng hukuman.
Ito ay kaugnay sa umano’y maanomalyang pagkapanalo ni Robredo kay Marcos sa lamang na 200,000 na boto.
Aniya pa, tiwala itong “clean, fair and honest” ang nagdaaang vice presidential elections.
Samantala, matatandaang nagkasundo ang magkabilang kampo sa inilabas na kautusan ng SC na ibalik ng Commission on Elections (COMELEC) ang SD cards mula sa umano’y hindi nagamit na Vote Counting Machines noong May elections sa Smartmatic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.