Milyong pisong halaga ng smuggled na bigas kinumpiska ng BOC

SMUGGLED-RICE
Inquirer file photo

Aabot sa P20 Million na halaga ng smuggled na bigas ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Cresda Ville Subdivision Barangay San Juan, Taytay Rizal.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, pag- aari ng isang ni Bernadette Ang ang mga nakumpiskang bigas.

Nabatid na walang import permit si Ang.

Inaalam pa ngayon ng BOC kung saang bansa galing ang bigas.

Ayon kay Faeldon, kakasuhan ng Bureau of Customs si Ang ng paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Binalaan rin ni Faeldon ang kanyang mga tauhan na kaagad silang sisibakin kapag nasangkot sa anumang uri ng kurapsyon sa loob ng BOC.

Read more...