AFP sa NPA: Handa na kami

By Den Macaranas February 04, 2017 - 09:54 AM

Eduardo-Año
Inquirer file photo

Nakahanda na ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines sa kung anuman ang magiging susunod na utos sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraan niyang bawiin ang unilateral ceasefire sa komunistang grupo.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Año na handa ang kanilang buong pwersa na tumalima sa utos ng kanilang commander-in-chief kabilang na ang paglusob sa mga kuta ng New People’s Army kung kinakailangan.

Pero mananatili umano sila sa defensive mode lamang hanggang walang instructions galing sa Malacañang.

Nauna nang inirekomenda ng pamunuan ng AFP ang pagdedeklara ng national day of mourning makaraan ang magkakasunod na atake ng NPA sa mga tauhan ng militar habang umiiral pa ang ceasefire.

Kamakailan ay binawi ng NPA ang kanilang idineklarang unilateral ceasefire na kaagad namang tinapatan ng pangulo ng pagbawi rin sa idineklarang tigil-putukan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Malacañang na umaasa pa rin ang pamahalaan na magpapatuloy ang peace talks sa kabila ng nasabing mga pangyayari.

Pati ang pamunuan ng Philippine National Police ay naka-alerto na rin kaugnay sa mga inaasahang pag-atake ng komunistang grupo.

TAGS: AFP, año, NPA, PNP, AFP, año, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.