NBI hindi na rin makikialam sa imbestigasyon sa mga kaso ng droga

nbi-building-1
Inquirer file photo

Ipinag-utos na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na itigil ang lahat ng kanilang ginagawang imbestigasyon sa mga drug-related cases.

Kasunod ito ng verbal directive ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa NBI na gumawa ng mga anti-illegal drugs operations.

Sa kanyang Memorandum Circular 5, sinabi ni Aguirre na suspendido simula kahapon ang Department Order 554 na inilabas noong Agosto 25, 2016 na nag-uutos sa NBI na para sa build up ng mga kaso alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sinabi ni Aguirre na tututok ang panahon ng mga imbestigador ng NBI sa kampanya ng gobyerno kontra sa katiwalian at kriminalidad.

Kamakailan ay ilang tauhan ng NBI ang nasangkot sa Jee Ick Joo kidnap-slay case na siyang naging dahilan para sibakin ang ilang mga opisyal ng nasabing premier investigating body ng DOJ.

Read more...