Inilunsad ni BJMP chief Director Serafin Barretto kahapon ang Task Force Tagmata na naglalayong supilin ang pagpapasok ng mga kontrabando sa piitan tulad ng mga iligal na droga, armas at mga communication gadgets.
Nagmula ang salitang “tagmata” sa Greek word na “tagma” na ang ibig sabihin ay “to set in order.”
Sa ilalim nito, kukuha sila ng mga piling fresh graduates mula sa BJMP training camp para kapkapan ang kanilang mga senior officers bago makapasok ang mga ito sa mga selda.
Magsisilbi aniyang internal support mechanism ang ma ito upang matiyak na lahat ng kanilang mga tauhan, pati ang mga service providers, ay hindi masasangkot sa pagpapasok ng mga kontrabando sa kulungan.
Ayon naman kay BJMP-National Capital Region head Chief Supt. Romeo Elisan Jr., bubuuin ng 75 junior officers sa ilalim ng Tagmata ang unang batch na ide-deploy sa Metro Manila District Jail (MMJD) sa Camp Bagong Diwa.
Tiniyak naman nila sa mga naturang junior officers na suportado sila ng mga jail wardens hanggang sa mga opisyal mismo ng BJMP.