DOTr, magde-deploy ng mga bus, pulis at sundalo kasabay ng tigil-pasada sa Lunes

By Alvin Barcelona February 04, 2017 - 05:13 AM

katipunan-trafficMagpapakalat ang gobyerno ng mga government at private vehicles sa iba’t ibang panig ng Metro Manila para sa mga pasahero na maaapektuhan ng tigil pasada sa darating na Lunes.

Ito ang napagkasunduan ng Joint Quick Rection Team ng Department of Transportation (DOTr) para matiyak na hindi mapaparalisa ang transportasyon.

Ayon sa Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB), libre ang pamasahe sa mga ide-deploy na bus at 6×6 trucks ng pamahalaan habang minimum na pamasahe naman ang sisingilin sa mga ipapakalat na pribadong bus.

Para naman masiguro naman ang kaligtasan ng mga pasahero ay magde-deploy din sila ng 4,800 na tauhan mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at mga tauhan mula sa DOTr, LTFRB, Philippine Coast Guard (PCG), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kaugnay nito, ipinaalala ng LTFRB ang mga Certificate of Public Convenience (CPC) holders sa umiiral nilang “no strike policy.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.