Bagyong “Bising,” napanatili ang lakas habang nasa Surigao del Sur
Napanatili ng bagyong “Bising” ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong West Northwest.
Base sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 670 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour, at pagbugso na 55 kilometers per hour.
Inaasahan namang patuloy ang pagkilos nito papunta sa direksyong West Northwest sa bilis na 13 kilometers per hour.
Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasasakop ng 300 kilometer diameter ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.