DOJ inatasan na ang NBI na itigil ang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operations

By Dona Dominguez-Cargullo February 03, 2017 - 03:14 PM

nbi-building-1Bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) suspendihin ang kanilang anti-illegal drugs operations.

Sa memorandum circular ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, inaatasan nito si NBI Director Dante Gierran na ipatupad ang suspensyon ‘indefinitely’.

Maging ang pagsasagawa ng NBI ng case build-up at imbestigasyon sa mga hinahawakan nilang kaso na may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay pinahihinto rin ni Aguirre.

Nakasaad din sa memorandum circular na ang suspensyon ay batay sa naging pahayag ni Duterte sa kaniyang talumpati sa National Ceonvention of Philippine Association of Water District sa Davao City noong Huwebes, February 2.

Sa nasabing speech, sinabi ni Duterte na matapos ang kontrobersiya sa pagdukot at pagpatay sa Korean na si Jee ICk Joo, dapat nang itigil ng NBI ang pagsasagawa nila ng anti-illegal drugs operations gaya ng Philippine National Police (PNP).

 

TAGS: anti-illegal drugs operations, DOJ, NBI, anti-illegal drugs operations, DOJ, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.