Dayuhan at 1 barangay captain na sangkot sa drug operations sa Region 4A, pinangalanan ni Duterte

duterte presidential photoIsang foreign black national na sangkot umano sa operasyon ng illegal na droga ang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pangulo, nagsasagawa ng operasyon sa CALABARZON Region ang drug suspect na si Ohare Dedukuz Odochuko.

Si Odochuko ay kasama sa hawak na narco-list ni Pangulong Duterte.

Bukod sa dayuhan, pinangalanan din ng pangulo na sangkot sa illegal na droga si Barangay Captain Ricardo ‘Idol’ Satingin na nasa CALABARZON Region din.

Ayon sa pangulo, ilang judge pa sa Region 6 ang dawit sa illegal na droga.

 

Read more...