1.2M mawawalan ng hanapbuhay sa utos ng DENR na ipasara ang 23 minahan sa bansa
Aabot sa 1.2 milyon na katao ang maaapektuhan sa utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez na ipasara na ang 23 minahan sa bansa.
Ayon kay Artemio Disini, chairman ng Chamber of Mines of the Philippines, sa ngayon, plano nilang umapela muna kay Pangulong Rodrigo Duterte bago magtungo sa korte.
Marami kasi aniyang minero ang maaapektuhan ng nasabing utos ni Lopez.
Base sa kautusan ng kalihim, ipinasasara na nito at pinasususpinde ang operasyon ng 23 minahan sa bansa.
Ito ay matapos lumabas ang resulta ng isinagawang audit ng DENR sa nasa 41 minahan.
Samantala, kinondena ng nasabing grupo ang utos ni Lopez.
Iginiit ni COMP Vice President for Legal and Policy Ronald Recidoro na hindi dumaan sa due process sa ang pag-audit ng Department of Environment and Natural Resources sa mining companies.
Aniya, hindi nabigyan ng pagkakataong tumugon ang mga kompanya.
Sinabi ni Recidoro na ipinagbigay-alam dapat muna ng DENR sa mining companies ang kaso para mabigyan sila ng pagkakataon na sagutin ito.
Paliwanag ni Recidoro, kapag may dispute, maaariing idaan na lamang ito ng kompanya sa arbitration o iakyat ito sa korte o sa Pollution Adjudication.
Hindi aniya maaaring wakasan na lamang ng isang panig ang kontrata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.