1 patay, 27 sugatan sa bumaligtad na bus sa Nueva Vizcaya
Patay ang driver ng isang pampasaherong bus, habang sugatan ang 27 sakay nito matapos ang aksidente na naganap sa national highway sa Solano, Nueva Viscaya, Biyernes ng umaga (Feb. 3).
Ang GV Florida bus na may plate number POM-184 ay bumabaybay sa bahagi ng Barangay Baacaran nang ito ay mawalan ng kontrol, bumaligad at sumadsad sa palayan.
Nasawi ang driver na si Michael Angelo Santos habang ginagamot sa PLT Hospital.
Pawang nagtamo naman ng minor injuries ang 25 pasahero at dalawang kasamahan ni Santos.
Galing sa bayan ng Maddela sa Quirino province ang bus at patungo sana sa Sampaloc Maynila nang maganap ang aksidente alas 4:20 ng umaga.
Ayon kay Supt. Leumar Abugan, provincial police director ng Nueva Vizcaya, iniimbestigahan pa nila kung ano ang naging sanhi ng aksidente.
Base aniya sa pahayag ng mga pasahero, masyadong mabilis ang takbo ng bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.