Sa abiso ng MRT, alas 5:58 ng umaga, nagkaroon ng technical problem ang isa nilang tren at pinababa ang mga pasahero sa Guadalupe Station northbound.
Pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.
Sumunod namang nagka-aberya ang isang tren ng MRT sa bahagi ng Ortigas Station alas 6:37 ng umaga.
Pinababa din ang mga pasahero sa nasabing istasyon dahil sa naranasang technical problem ng tren.
Kahapon, tatlong aberya ang naranasan sa MRT mula umaga hanggang gabi.
MOST READ
LATEST STORIES