British, hinatulan ng korte sa London matapos magplanong sumapi sa Abu Sayyaf
Hinatulang guilty ng korte sa United Kingdom ang isang British national sa kasong may kaugnayan sa terorismo matapos matuklasan ang plano nitong pagbiyahe patungong Pilipinas para sumapi sa Abu Sayyaf.
Ang British supermarket worker na si Ryan Counsell, 28-anyos ay nagplano na bumiyahe sa Pilipinas noong July 13, 2016 pero naharang siya ng mga otoridad.
Magtutungo sana si Counsell sa Zamboanga para sumapi umano at makipagtulungan sa terrorist group na Abu Sayyaf.
Hinatulan si Counsell na guilty sa kasong ‘preparing for acts of terrorism’ matapos makuhanan ng bomb-making manual at matuklasan ang pagbili niya ng iba’t ibang military-style na mga damit at kagamitan.
Ang Abu Sayyaf ay nasa listahan ng banned terrorist group sa Britain.
Ayon sa Woolwich Crown Court sa southeast London, bumili ng military equipment si Counsell na gagamitin nito para sumuporta sa ASG.
Gumastos pa umano si Counsell halos £900 para sa “heavy-duty, military-style boots, combat trousers, camouflage clothing, knee at elbow pads, monocular scope, rifle magazine pouches at iba pa.
May nasabat din sa kaniyang bomb-making manual at mga dokumento na nagsasaad ng mga impormasyon para sa mga nais na bumiyahe sa Syria at sumapi sa Islamic State, gayundin ang kopya ng Al-Qaeda magazine magazine inspire na mayroon artikulo na ang pamagat ay “Make a bomb in the kitchen of your Mom”.
Katwiran ni Counsell na residente ng Nottingham sa central England, ang biyahe niya sana sa Zamboanga ay para sa isang charitable relief work.
Sa March 3, ihahayag ng korte ang magiging sentensya kay Counsell.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.