Isa ang patay sa sunog sa Quezon City

By Jong Manlapaz February 03, 2017 - 06:50 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang lalaki matapos na hindi makalabas sa nasunog nilang bahay sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Sunog na sunog ang katawan ng 22-anyos na si Jaypee Nillusguin nang matagpuan ito ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department.

Ayon kay SFO3 Rosendo Cabillan, hindi nagising ang biktima dahil sa sobrang kalasingan.

Sa kwarto din mismo ni Nillusguin nagsimula ang apoy.

Sumiklab ang sunog alas 11:39 ng gabi sa Don Primitivo Street, Don Antonio Heights.

Aabot sa 8 bahay ang natupok ng apoy at 12 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Maliban sa isang nasawi, mayroon pang isang residente ang nasugatan.

Umabot lamang sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang fire out alas 12:26 ng madaling araw.

 

 

TAGS: fire incident, Holy Spirit, quezon city, fire incident, Holy Spirit, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.