Binabantayang LPA ng PAGASA sa Mindanao, malaki ang tsansang maging bagyo

Mataas ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Mindanao.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 790 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Obet Badrina, malaki ang tsansa na ma-develop ito bilang bagyo sa susunod na 24-oras.

Sakaling maging bagyo, papangalanan itong “Bising” at ito ang magiging ikalawang bagyo sa bansa ngayong taon matapos ang bagyong “Auring”.

Sinabi ni Badrina na maliit naman ang tsansa na ito ay tumama sa lupa.

Makararanas ngayong araw ng hanggang katamtamang pag-ulan sa Mindanao gayundin sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern Visayas at sa lalawigan Quezon.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang iiral sa Cagayn Valley Region at sa lalawigan ng Aurora.

Habang sa Metro Manila, at sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay mahinang pag-ulan na

Read more...