Amnesty Int’l, handang humarap sa Senado kaugnay ng kanilang EJK report

By Kabie Aenlle February 03, 2017 - 04:34 AM

 

dead qc1Malugod na pagbibigyan ng human rights organization na Amnesty International ang Senado sakaling ipatawag sila para depensahan o ipaliwanag ang kanilang report tungkol sa umano’y pagtanggap ng mga pulis ng pera kapalit ng pagpatay sa mga drug suspects.

Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, handa silang magbigay ng buong kopya ng kanilang report para masiyasat ng mga senador at ng iba pang mga interesadong partido.

Sa kanilang isinagawang pag-aaral, kinapanayam ng AI ang 110 katao kabilang na ang mga testigo at pamilya ng mga napatay dahil umano sa iligal na droga.

Kinumpirma rin umano ng dalawang hired gunmen at isang pulis ang kanilang pag-aaral.

Bagaman handa silang humarap sa Senado para depensahan ang kanilang report, nanindigan naman ang AI na hindi nila iko-kompromiso ang pagkakakilanlan ng kanilang mga sources.

Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero na nagbabalak maghain ng resolusyon para maimbestigahan ang report ng AI, maari silang magsagawa ng executive session upang madepensahan naman ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang sarili sa akusasyong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.