Retired judge, patay sa pananambang sa Surigao

By Kabie Aenlle February 03, 2017 - 04:26 AM

 

crime-scene-e1400865926320Malapitang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang retiradong judge ng Regional Trial Court sa Surigao kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang 70-anyos na biktima na si Victor Canoy na bumili lang ng pagkain sa karinderya malapit sa kaniyang tahanan nang bigla siyang lapitan ng dalawang suspek.

Agad siyang binaril ng dalawang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo, na siya namang ikinasawi ni Canoy.

Isang pulis naman na malapit sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang nakapansin sa ginawa ng dalawang suspek at pinaputukan ang mga ito ngunit isa lang sa mga ito ang tinamaan at nakatakas pa rin.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang posibleng motibo ng pagpatay sa dating huwes at kung sino ang mga nasa likod ng krimen na ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.