Pagpapa-push up sa mga pulis ni Dela Rosa, pang-camera lang-Escudero
Binatikos ni Sen. Francis Escudero si Philippine National Police Chief Director Gen. Ronald dela Rosa matapos nitong ipahiya sa publiko ang pitong pulis na dawit umano sa pangingikil sa tatlong Koreano sa Angeles City, Pampanga.
Nakatanggap ng mura mula kay Dela Rosa ang pitong pulis at inutusan pang mag-push up sa harap ng maraming tao.
Ayon kay Escudero, maliwanag na pang-camera at pang-tv lang ginawang paninigaw ni Dela Rosa sa nasabing mga pulis.
Kinuwestyon din ng senador kung bakit sa mga pulis na sa Kampo Crame ay wala siyang sinisigawan.
Posibleng pinatutungkulan ni Escudero ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Isa sa tatlong Koreano na si Lee Ki Hoon na biktima ng pangingikil ay bumalik sa Pilipinas para maghain ng kasong robbery at kidnapping laban sa mga pulis na sina PO1 Jayson Ibe, PO1 Ruben Rodriguez II, PO1 Mark Joseph Pineda, PO2 Richard King Agapito, PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo at PO3 Gomerson Evangelista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.