PNP official umaming hindi kaya ng mga pulis ang grupo sa likod Jee Ick Joo slay case

By Ruel Perez February 02, 2017 - 05:34 PM

Glen Dumlao
Inquirer file photo

Hindi pa umano matukoy ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang sinasabing malaking tao na itinuturo ni Supt. Rafael Dumlao na nasa likod ng grupo na dumukot at pumatay sa Korean National na si Jee Ick Joo.

Pero hinihimok ni PNP AKG Chief SSupt. Glenn Dumlao si Supt. Dumlao na itinuturong pangunahing suspek sa kaso na ilabas lahat ang nalalaman para mapanagot ang mga may sala.

Samantala, nakahanda naman umanong banggain ng PNP ang sinasabi ni Dumlao na malalaking tao na kasabwat nina SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Dahil na rin umano sa galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyari ay handa ang PNP na gawin ang lahat para mailabas ang katotohanan.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng PNP-AKG ang tunay na motibo ng pagkidnap at pagpatay kay Jee dahil maingat daw sila sa kanilang ginagawang imbestigasyon.

Si Supt. Rafael Dumlao ang team leader ni SPO3 Sta. Isabel ng special operation unit ng binuwag na Anti-Illegal Drugs Group ng PNP.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ng pinuno ng AKG na ilang beses ring sinabi ni Dumlao na hindi kaya ng PNP ang grupong nasa likod ng pagdukot kay Jee dahil sila umano ay marami at makapangyarihan.

TAGS: AIDG, akg, dumlao, Jee Ick Joo, PNP, AIDG, akg, dumlao, Jee Ick Joo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.