Duterte may tampo sa kanyang anak na si Baste

By Den Macaranas February 02, 2017 - 04:17 PM

Baste
Instagram: Ellen Adarna

Sa kanyang talumpati sa 38th National Convention of Water Districts Association of the Philippines sa Davao City ay hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang kanyang sama ng loob sa anak na si Baste Duterte.

Nang mapunta ang kanyang talumpati sa edukasyon ng kanyang mga anak, sinabi ng pangulo na nakatira ngayon sa kanilang lugar sa Davao City ang anak na lalaki ni Baste.

Napabayaan daw ng kanyang anak ang kanyang apo dahil mas naging abala ito sa pakikipagrelasyon sa aktres na si Ellen Adarna.

Minsan na rin daw na nagkwento sa kanya ang kanyang apo kung saan ay sinabi nito na mas mahal niya ang kanyang nanay at hindi ang kanyang tatay.

Ipinaliwanag ni Duterte na halos madurog ang kanyang puso dahil ang pakiramdam niya ay napapabayaan ng kanyang bunsong anak na lalaki ang sarili niyang anak.

Magugunitang kamakailan lamang ay sinabi ng aktres na si Adarna na nakipaghiwalay na sa kanya ang boyfriend na si Baste.

Ginawa raw ito ng presidential son sa pamamagitan lamang ng isang text message.

TAGS: baste, duterte, ellen adarna, baste, duterte, ellen adarna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.