Mga pari tinawag na bastos ni Duterte

Bacani
Inquirer file photo

Muling nakatikim ng mura at batikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at mga lider ng simbahan.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ni Duterte na hindi lamang may asawa bagkus ay nakikipag-relasyon din sa kapwa lalaki ang ilang mga pari.

Sa kanyang karanasan bilang dating alkalde sa Davao City, sinabi ni Duterte na ilang beses na siyang hiningan ng tulong para mapalawig ang burol ng isang patay dahil ayaw itong tanggapin sa loob ng simabahan dahil busy sa ibang bagay ang mga pari.

Mahal din daw maningil ang ilan sa kanila na isa umanong uri ng raket ng mga lider ng simbahan.

Muli rin niyang binatikos si Bishop Teodoro Bacani na mayroon umanong dalawang anak.

Muli ring inulit ni Duterte ang kwento ng kanyang buhay kung saan ay ilang beses rin umano siyang hinipuan ng ilang mga pari noong siya’y bata pa.

Hinamon din niya ang mag ito na sampahan siya ng kaso kung sa tingin nila ay mali ang kanyang mga pinakawalang salita laban sa mga pari.

Read more...