Dalawang sundalo, dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Sultan Kudarat

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Mindanao February 02, 2017 - 12:29 PM

sultan kudaratDinukot ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalo sa bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Captain Rhyan Batchar, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, ang dalawang sundalong binihag ay mula sa 39th Infantry Battalion.

Dinukot umano sila ng mga pinaghihinalaang NPA sa Barangay Dela Paz Huwebes (February 2) ng umaga.

Ayon naman kay Supt. Romeo Galgo Jr, ng Central Mindanao police, ang mga sundalong biktima ay sina Sgt. Solaiman Calocop at Pfc. Samuel Garay.

Sakay umano ng motorsiklo ang dalawang sundalo nang sila ay harangin ng hindi pa matukoy na bilang ng mga rebelde.

Naganap ang insidente, isang araw matapos na ianunsyo ng NPA na ititigil na nila ang ipinatutupad na unilateral ceasefire sa pamahalaan epektibo sa February 10.

 

 

TAGS: NPA, soldiers abducted, sultan kudarat, NPA, soldiers abducted, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.