10 ang kritikal ang kondisyon sa sunog sa loob ng EPZA sa Cavite; ilang dayuhan kabilang sa nasugatan
Sa mahigit 100 na empleyado na nasugatan sa sunog sa isang gusali sa loob ng Export Processing Zone Authority (PEZA) sa Cavite, sampu ang kritikal ang kondisyon.
Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, 40 katao pa ang nasa ospital; 25 dito ay nasa Divine Grace Medical Center at 15 ang ginagamot sa General Trias Hospital.
Sampu sa kanila ay kritikal ang kondisyon dahil sa natamong 3rd degree burns.
Sinabi ni Remulla na 70 percent hanggang 90 percent ng kanilang katawan ang nasunog at ililipat sila sa Philippine General Hospital (PGH).
“10 ang seriously/critically injured, 3rd degree burns. Nanganganib ang buhay nila sa ospital, 70% to 90% ang sunog nila sa katawan., itatransfer sila sa PGH,” Ayon kay Remulla.
Kabilang sa mga nasugatan ang ilang Japanese nationals na supervisors ng House Technology Industries (HTI).
Sinabi ni Remulla na wala pa silang eksaktong bilang kung ilan talaga ang mga empleyado na nasa loob ng gusali nang sumiklab ang apoy.
WATCH: Malakas pa rin ang usok sa nasusunog na pabrika sa Cavite | @CyrilleCupino pic.twitter.com/Z87eSZAe6W
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 2, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.