Patay sa pagsabog sa China umbot na sa 50, mahigit 700 ang sugatan

August 14, 2015 - 06:06 AM

Inq.net AFP
AFP photo

Umakyat na sa limampu ang nasawi sa malaking pagsabog na naganap kahapon sa Tianjin City sa China at nasa 701 ang sugatan. Sa bilang ng mga nasagutan, 71 ang seryoso ang kondisyon.

Kasamang nasawi ang labingdalawang bumbero na rumesponde sa sunog matapos ang naganap na pagsabog.

Inaalam pa kung anong uri ng chemical ang sumabog dahil napakalakas at sunod-sunod ang narinig na pagsabog.

Katunayan, sa sobrang lakas ng pagsabog nakita pa sa satellite sa outer space ang malakas at pagtaas ng apoy.

Ang nasabing warehouse ay pag-aari ng Ruihai International Logistics na isang transportation company.

Nagsasagawa na ng pagsusuri ang mga chemical team sa pinangyarihan ng insidente para matiyak na ligtas ito sa mga rescuers bago muling ituloy ang rescue operations./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Tianjin City China explosion, Tianjin City China explosion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.