Alvarez: Mga kriminal barilin na lang pag di lumusot ang death penalty bill

Alvarez1
Photo: Isa Umali

Idaan na lamang sa “shoot-on-site” o barilin na lang ang mga kriminal sakaling bigong maipasa ng Kongreso ang death penalty bill.

Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, sa gitna mainit na diskusyon sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas.

Sa isang press conference, sinabi ni Alvarez na kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay tanggap ang posibilidad na hindi mapagtibay ng Kongreso ang panukalang death penalty kahit pa priority measure ito.

Giit ng House Speaker, kung wala ang parusang kamatayan ay mabuting barilin na lamang ng mga otoridad ang mga kriminal kapag natiyempuhan na gumawa ng krimen kaysa sa hulihin.

Naniniwala rin ang lider ng Kamara na may katwiran ang pagpatay sa mga responsable sa karumal-dumal na krimen.

Kanyang inihalimbawa ang isang banyagang pedopilya na nang-abuso sa isang taong gulang na bata na aniya’y gawain ng isang demonyo.

Sa kabila nito, inamin ni Alvarez na mas magandang choice pa rin ang parusang kamatayan dahil ito ay may due process.

Read more...