Kasong plunder laban kay Enrile tuloy ayon sa Sandiganbayan

By Isa Avedaño-Umali February 01, 2017 - 05:01 PM

enrile
Inquirer file photo

Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd division ang hirit ni dating Senador Juan Ponce Enrile na ma-dismiss ang kanyang kasong plunder kaugnay ng Pork Barrel scam.

Matatandaan na noong September 21, 2016 ay inihain ni Enrile ang motion to quash the information dahil hindi raw sapat ang mga ebidensya laban sa kanya.

Sa 38-pahinang resolusyon, tinanggihan ng Anti-Graft Court Special 3rd Division ang inihaing motion to quash ni Enrile dahil sa kawalan ng merito.

Nakasaad pa sa desisyon ng korte na hindi maaaring ikumpara ni Enrile ang kanyang kaso sa kaso noon ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo dahil magkaiba ang factual circumstances ng mga ito.

Hindi umano gaya sa kaso ni GMA, iginiit ng Sandiganbayan na sapat ang impormasyon sa kaso ni Enrile na nag-aakusa ng sabwatan dahil tinukoy mismo ang pangalan ng dating senador.

Hindi rin daw maaaring sabihin ng dating mambabatas na walang ebidensya na ito’y nakipagsabwatan dahil hindi pa naman inalalabas ng prosekusyon ang lahat ng kanilang ebidensya.

Ipinunto rin ng Sandiganbayan ang sinabi ng Korte Suprema na hindi kailangang kumita ng P50 Million ang bawat akusado pero maaaring umabot sa ganitong halaga ang kabuuan nilang kinita.

Si Enrile ay kasalukuyang malaya, dahil sa pagpayag ng Korte Suprema, habang ang iba pang dating senador na sabit din sa Pork Barrel scam na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay nakabilanggo sa PNP custodial center.

TAGS: Juan Ponce Enrile, PDAF, plunder, sandiganbayan, Juan Ponce Enrile, PDAF, plunder, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.