Ikinalungkot ni Peace Adviser Jesus Dureza sa anunsyo ni New People’s Army spokesman Jorge Madlos alyas Ka Oris sa pagkansela ng kanilang grupo sa unilateral ceasefire epektibo sa darating na February 10.
Ang naturang kanselasyon ay pagkatapos lang isinagawang peace talks sa Rome, Italy kung saan ang magkabilang panig ay nagkasundo na ituloy pa ang pag-uusap ng bilateral ceasefire sa The Netherlands ngayong buwan.
Kaugnay nito, inererespeto naman umano ng pamahalaan ang desisyon ng komunistang grupo.
Sa panig ng Office of the Presidential Peace Adviser ay kanilang inererekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ng gobyerno ang pagkakaroon ng unilateral ceasefire para mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad na nagnanais nito.
Kasabay nito, kanila ring irerekomenda na mapagpatuloy ang kampanya ng pwersa ng gobyerno sa pagprotekta sa mga silbilyan mula sa kapahamakan at terorismo.
Ayon pa kay Dureza, sila ay naniniwala na may mga ilang insidente na naganap ay mahihirapan na maiwasan ito dahil wala na ang mga guidelines at protocols na inibigay ng bilateral ceasefire.
Dagdag pa ng kalihim na sa kabila nito umaasa pa rin siya na magpapatuloy ang pagsusulong ng kapayapaan para matuldukan na ang mahabang panahon ng armed struggle sa bansa.
Binigyang diin ni Dureza na ang daan patungo sa kapayapaan ay hindi madali dahil ang importante ay nanatili ang pagnanais dito.